Wednesday, November 23, 2005

regrets

naalala ko nung sunday. sabi ng isang brod ko, "you can only cross a river once..", sabi daw ng isang instructor nila, tama nga naman, dahil kahit ilang beses mo pang tawirin yang ilog na yan, ni minsan di magiging pareho ang tubig na dumadaloy jan.

parang naalala ko rin tuloy nung grade 2 ako, nakarelate tuloy ako sa kwento ni Bob Ong, pagkadating ko sa klase, awarding pala. hindi kasi ako hinahatid ng mama ko sa school kasi may service ako, ang kaso, may award pala ako, wala ang aking mader para magsabit, sayang wala pang celfon nun.

nung highschool kami, every year merong 2 camp, making it 8 camps all in all, di pa kasama ung mga add'l na pang boyscout atbp, ang napuntahan ko: 3 out of 8, hehe. sakitin kasi ako nuon kaya kung di ako nasa hospital eh may check-up ako sa manila, ondi kaya kelangan kong magpahinga sa bahay. minsan pag kuwentuhan ng tropa, syempre di ka makrelate, tas pag sa mga pictures, wla ka.

nitong nakalipas na panahon, napasok ako sa networking, nadala ako nung sinabi sakin nun, "anung mas gugustuhin mo pag dating ng panahon, ang masabi mong SAYANG o BUTI NALANG.." at un na nga, syempre, ikaw ba, mas gugustuhin mo bang magising minsan na puro pagsisisi ang naiisip mo? malamang hindi.

dati sabi ko, SANA ganto, SANA ganyan nuon, pero naisip ko, kung NAGING ganun ba, pareho parin kaya ang takbo ng buhay ko ngayun? nandito ba ko at pareho ang sinusulat ko para mabasa nyo? hehehe. malaki ang posibilidad na hindi. ngayun napagtanto ko, ok lang sakin na ganto. maraming factor ang kelangan ko para matuto, natulungan ako sa mga bagay bagay, na kahit ikaw eh hindi mo pagtutuunan ng pansin.

BUTI na lang..

Sunday, November 13, 2005

naisip ko lang

lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko, "walang tutulong sayo kundi ang sarili mo", magaling ako sa gantong bagay, ang magbigay ng advice sa mga kasama ko. pero bat ganun? bat parang mismong ang sarili ko, di ko matulungan. ang daling sabihin ng mga bagay. sasabihin ko pa, "pano mo magagawa ang mga bagay kung ikaw mismo sa sarili mo, di mo iisipin na kaya mo? na nahihirapan ka." ganto nga siguro, ikaw na taong marunong magisip para matulungan ang iba eh nahihirapang tulungan ang sarili mo. tsk tsk. buhay talaga. magulo, sobra.

kakaantig..


a view from the summit


haha.. sarap pagmasdan ng gantong tanawin noh? kung ganto lang lagi ang buhay.. di ka na bababa ng bundok, pero.. kelangan paring bumalik at harapin ang buhay na naghihintay..

Saturday, November 12, 2005

new!

hmmm. welcome to my new blog.. naisip ko kasi na mas ayos kung meron akong seperate blog, since ang friendster blogs eh hindi ata nagooffer ng edited html add-ons like TAGBOARDS and stuff.. (correct me if im wrong..) so here it is.. welcome.. ingats lagi.. =)