Saturday, March 21, 2009

DeMolay, 90 years na tayo.

DeMolay ka ba?

oo. DeMolay ako.

...

hindi lang dapat sa pangalan nailalagay ang pagiging Molay.
hindi lang sa tawag kung bakit dapat nilang malaman kung sino ka.
hindi basta basta, kundi sana nasa puso mo rin at gawa,
ang bawat aral na itinuro sayo habang pumapasok ka pa lang.

hindi ka papasok, para lang matawag kang isang DeMolay.
at maipagmalaking "fratman" ka.

"hindi DeMolay ang gagawa ng pangalan mo,
kundi ikaw ang gagawa ng pangalan ng DeMolay."

we have been guided by the Code of Ethics and the 7 Cardinal Virtues of our Order.
tinuro satin, ipinasaulo, ipinaexam, pinagalitan sa sandaling hindi alam ang laman.

sana maibigay padin natin sa Order, ung ilang oras ng meeting,
gaya nang pagbibigay natin ng time nung peti pa lang tayo.

sana maibigay padin natin sa Order, ung tulong natin sa mga activities,
gaya nang pagtulong natin nung mga peti palang tayo.

bakit nung peti ka? nagagawa mo ang mga bagay?

edi mas lalo na sana ngayon kung kailan tapus ka na
at mas marami ka nang kayang gawin, dahil wala nang restrictions,
wala nang pressure, at wala nang hirap at luhang tutulo
pagsapit ng alas-5.

dalawang stated lang ang meron sa isang buwan.
isa bawat dawalang linggo.

hahayaan mo na lang bang mapunta sa wala ang 6 na buwang pinaghirapan mo?
hahayaan mo na lang bang mapunta sa wala ang 90 taong pinaghirapan ng mga ninuno mo?

hindi sa DeMolay Degree natatapos ang lahat,
kundi dun pa lang tayo nagsisimula.

hahayaan mo na lang ba? o tutulong ka sa pagbuo ng kasaysayan nito?

...

ipagpatuloy ang magandang nasimulan.
ipagpatuloy ang 90 taong kagalingan, at sarap ng pagsasamahan!

DeMolay, 90 years na tayo!

------------------------------

Rieon Dran Alicdan Carreon, PMC, Chev.
Order of DeMolay - Baguio Chapter
sponsored by Baguio Lodge No. 67 F. & A.M.

For God, for country, for DeMolay.

Wednesday, July 26, 2006

talo.. ayus!

natalo ako..

katatapos ng bilangan kanina.. kulang ako ng 2 votes para manalo.. at oo, natalo nga ako.. hehe.. astig..

ayun lang.. wala namang kaso.. in the first place, di ko rin naman ninais na tumakbo, pero eto lang masasabi ko, mga ka-CADUA ko, nagenjoy ako..

ewan, di naman ako masyadong bothered sa kinalabasan ng mga boto.. sayang nga lang talaga, nakulangan lang ng dalawa.. sabi ko nga kay paolo (isang demolay na kasama ko sa UP) kanina, 2 lang naman ang talagang masakit jan sa eleskyon, ang maging pinakahuli, at ung muntikan.. well anu pa nga ba, tapos na.. un na un.. pero astig parin.. heheh..

kanina habang nakasakay ako sa jeep, may 2 batang sumakay, may bitbit na malaking bag ng chicharon, kandungan silang 2 dun sa may dulo sa likod ng driver.. biglang sabi nung bata..

bata: kuya, anu ung 16x25?

sagot nung lalaking nasa harap nya, hawak ang fon, katatapos magcalculate (halata eh)

kuya: 400. times 25 ba? oo, 400.
bata: 400?

bumulang ung kasama nya.. parang problemado.. biglang tanung nung ale sa tapat ko..

ale: bakit? kulang ba?

tumango lang ung bata..

ale: magkano ung kulang?
bata: bente.

kala ko dudukot ung babae ng pera.. sabay sabi nya..

ale: bente lang naman pala eh. buti na lang hindi malaki.

saka ko naisip.. ok lang pala talaga na kulang ako ng boto.. kasi di naman magiging rason un para huminto akong maging ako..

ako parin naman si rieon.. SIGA parin.. hahah..

sa totoo lang ngayun ko lang talaga naramdaman ang pagiging cadua ko.. hehe..

astig naman ung shirt namen at ako ung nagdesign kaya mas ayus..

eto oh..



ung bb namen kahit inubos nila ung mga picture dun eh ok na rin..

tsak ung iba pa.. astig talaga..

un..

buhayin naten ang cadua ngayung taon.. di nagtatapos yan sa eleksyon..

CADUA, Campus Alliance for Dedicated and Unified Action..

panalo tayo! ^_^

Saturday, June 10, 2006

edukasyon..

May25.. papunta kami nun sa DFA sa clark from gapo.. mga 12:03am ata, kung naaalala kong maigi.. nagstop kasi ung sasakyan para magpagas..

nakita ko tong lalake, hindi naman masyadong katandaan, namamaga ang kaiwang pisngi, madumi ang damit, wala saplot ang paa.. para nasa early 30's pa lang.. nagmamalimos, sa kilos nya, pangkain ang hinihingi nya.. biruin nyo, alas dose ng madaling araw.. kung san halos lahat ng tao eh tulog na.. tinawag sya nung driver, binigyan ng barya.. kitang kita mo ang ngiti sa mga mata nya.. kitang kita ko..

saka ko naisip.. maayus naman ang pangangatawan niya, bat di na lang sya magtrabaho para buhayin ang sarili nya.. naisip ko tuloy.. marahil di sya nakapag aral nuon.. pero paano kung oo? posibleng bang pinabayaan niya ang pagaaral niya? posible bang nawaste lang ang hirap ng mga magulang nya? na ginapang ang pagaaral niya para makatapos pero nawasak dahil sa kadahilanang di natin alam kung ano..

di siguro pinahalagahan an edukasyon na inilatag na mismo sa harap nya..

naisip ko tuloy ang sarili ko.. kelangan pa yata kasi akong untugin para makita ko ang mali ko.. where in, kung kelan malapit ng mahuli ang lahat eh dun lang tayu kikilos.. haha.. nasa sarili naman natin ang mga bagay na ito.. ngayun, gusto kong ayusin ang buhay ko..

di pa naman huli..

naalala ko tuloy ung speech ng magna cum laude nung march.. isa sa mga sakit na pagiging UP-an, aminado ka at sasabihin mo pa..

"ok lang, mas magaling naman ako sa kanya, ang kaso nakakatamad kasi.."

kelangan ng pagbabago..

magic..

its been a while since i've updated this blog..

well here's something for the magicians out there.. SELF TYING SHOELACE.. this trick's included in Blaine's new special..

chech it out..



more of my videos here..

http://www.youtube.com/user/crozpogi

Saturday, March 18, 2006

DeMolay 1919..

International Order of DeMolay.

meron parin sigurong hindi familiar kung anu to, kung sino sya, at kung bakit nga may ganto.

ganto natin simulan para okay. hirit ng english. for my foreign visitors. hehe. LOL.

Jacques DeMolay, the last Grand Master of the Order of the Knights Templar, who was sentenced to death, by an envious king. he died a martyr, never betraying his comrades and remaining to be faithful to the pledges he have made.

that's who he was, a legend, a master, a good example.

and by these reasons, he was chosen to be the namesake of our Order.

Frank Sherman Land, together with 9 young men, founded the Order of DeMolay, in the 18th of March, year 1919. with only one purpose in view, and that was to build a council for the betterment of young men, like me.

here's my tribute for 87 years of comradeship, under the name we have taken on our lips. DeMOLAY!!

twas not too long, a few weeks before graduating in highschool, when i chose to take a different road that could change my whole life. i petitioned myself for the membership of the Order of DeMolay.

maraming hirap ang dinanas, maraming luha ang dumaloy, maraming pawis ang pumatak, makatapos lang at makamit ang gustong makamtan. at un na nga, isang araw bago ang pasukan sa kolehiyo, nakuha ko na ang DeMolay Degree ko, kasama ang 15 pang batchmates ko.

maraming nabago sa buhay ko. marami akong natutunan. di ko na mabilang, sobra.

di ko alam kung anu ba ko ngayun kung wala ang DeMolay, kung nasan ba ko, at kung anu-ano ang pinaggagagawa ko. kulang ang mga salita para maipakita kung gaano kaimportante sa buhay namin ang pagbabago.

"..for as long as we remain faithful to our pledges, for as long as there is an Order of DeMolay, we are ONE.."


mabuhay ang DeMolay! brethren, HAPPY ANNIVERSARY, 87 YEARS na tayo!

-----

Rieon Dran Alicdan Carreon, PMC
Baguio chapter
sponsored by Baguio Lodge no. 67 F. & A.M.

Friday, February 24, 2006

to be updated..

mejo, naaadik ako ngayun sa codes, aayusin ko tong blog soon.. parang ginawa ko sa friendster account ko..

http://www.friendster.com/profiles/croz

tas ung luma..

http://crozpogi.tripod.com/

hehehe..

ayyy, check the new craze, friendster forum.. moderator ako dun, so check me out..

http://friendsterforum.com/forum/

un.. sa muli..

Saturday, January 21, 2006

tama!

..pauwi ako nun, naglalakad sa may centermall, pagakyat ko ng overpass papuntang paradahan, may nabasa ako na nakadikit sa dingding, walang akda, basta ang makikita mo lang eh ung coupon bond na may ilang set ng mga salita,

"ano lang ba kung gumawa ka ng tama..
..kung gagawa ka ng tama, WALAng problema."


un ang sabi sa paskel. naisip ko ayus ung naglagay nun ah, sino kaya siya/sila? anu kaya gusto nilang mangyari.. hehe.. malamang, pagbabago ang gusto nila, pero mababasa kaya ng mga dapat makabasa ang copy nung kokomban (coupon bond) na nabasa ko? sana lahat ng tao dumaan sa overpass na un.. para naman kahit papano eh masaya.. haha, oo masaya..

sandali, uhmm..

hi, ako nga pala si RIEON, mejo marami na kong naisulat dito pero di pa ko talaga nakakapagpakilala, hehe, member ng Order of deMolay, pinipilit kong maging isang kapakipakinabang na tao, kahit papano, mejo okay naman..

anu nga naman kung gumawa tayo ng tama diba? di naman na dapat ipaalala satin kung anu ang dapat nating patuloy na ginagawa.. sana ganun na lang kadali ang buhay, lahat tama, para, un nga, walang problema.. para wala na dapat kelangan pang isipin pa..

un na un..

Friday, December 16, 2005

cards..

cards.

isipin mo, nakabaliktad lahat ng 52 cards, gusto mong hanapin ung jack of spades, simple. all u need to do is to open the top card first, check it, and repeat until you find what u are lookin for. tanga ka at mahihirapan kang maghanap kung papakiramdaman mo lang at lilipat sa susunod na card na hindi man lang tinitignan kung un nga un.

parang buhay, kailangan makipagsapalaran ka para mahanap ang taong nararapat para sayo.
pero eto ung mahirap na part nyan, pano kung may hawak kang card sa kamay mo, nakabaliktad, di mo malaman kung un na nga ung card na hinahanap mo, wala kang paraan para masilip un, di mo alam kung kelan mo malalaman kung un na nga un. maghihintay ka pa ba ng walang katiyakan o bibitiwan mo na ba un para silipin na ang kasunod para tumaya at magbakasakaling makita mo na ang tama bago pa maubos ang oras mo?
mahirap sagutin diba. pano kung nagpatuloy ka? nakipagsapalaran ulit tapos nalaman mo na ung hinawakan mo ng matagal dati, at binitawan mo ng di mo pa nakikita eh ung card na pala na hinahanap mo?

ngayon, anung madali?
sana magic na lang lahat no?

Saturday, December 03, 2005

checkmate

ang buhay ay parang chess, hindi basta basta ka na lang titira, pinagiisipang maigi ang bawat galaw. dahil pag ikaw nagkamali, di mo na to maibabalik. pero bakit pag nasa harap mo na ang isang bagay mahirap ng magisip? haay! buhay!

sigaw

gusto kong umakyat ng bundok, o pumunta sa isang lugar na walang makakarinig sa'kin, para sumigaw at mailabas ko ang lahat ng nagpapabigat ng loob ko, para kahit papano, mawala ang hirap na nararamdaman ko. ang hirap eh, ewan. bahala na.

Wednesday, November 23, 2005

regrets

naalala ko nung sunday. sabi ng isang brod ko, "you can only cross a river once..", sabi daw ng isang instructor nila, tama nga naman, dahil kahit ilang beses mo pang tawirin yang ilog na yan, ni minsan di magiging pareho ang tubig na dumadaloy jan.

parang naalala ko rin tuloy nung grade 2 ako, nakarelate tuloy ako sa kwento ni Bob Ong, pagkadating ko sa klase, awarding pala. hindi kasi ako hinahatid ng mama ko sa school kasi may service ako, ang kaso, may award pala ako, wala ang aking mader para magsabit, sayang wala pang celfon nun.

nung highschool kami, every year merong 2 camp, making it 8 camps all in all, di pa kasama ung mga add'l na pang boyscout atbp, ang napuntahan ko: 3 out of 8, hehe. sakitin kasi ako nuon kaya kung di ako nasa hospital eh may check-up ako sa manila, ondi kaya kelangan kong magpahinga sa bahay. minsan pag kuwentuhan ng tropa, syempre di ka makrelate, tas pag sa mga pictures, wla ka.

nitong nakalipas na panahon, napasok ako sa networking, nadala ako nung sinabi sakin nun, "anung mas gugustuhin mo pag dating ng panahon, ang masabi mong SAYANG o BUTI NALANG.." at un na nga, syempre, ikaw ba, mas gugustuhin mo bang magising minsan na puro pagsisisi ang naiisip mo? malamang hindi.

dati sabi ko, SANA ganto, SANA ganyan nuon, pero naisip ko, kung NAGING ganun ba, pareho parin kaya ang takbo ng buhay ko ngayun? nandito ba ko at pareho ang sinusulat ko para mabasa nyo? hehehe. malaki ang posibilidad na hindi. ngayun napagtanto ko, ok lang sakin na ganto. maraming factor ang kelangan ko para matuto, natulungan ako sa mga bagay bagay, na kahit ikaw eh hindi mo pagtutuunan ng pansin.

BUTI na lang..

Sunday, November 13, 2005

naisip ko lang

lagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko, "walang tutulong sayo kundi ang sarili mo", magaling ako sa gantong bagay, ang magbigay ng advice sa mga kasama ko. pero bat ganun? bat parang mismong ang sarili ko, di ko matulungan. ang daling sabihin ng mga bagay. sasabihin ko pa, "pano mo magagawa ang mga bagay kung ikaw mismo sa sarili mo, di mo iisipin na kaya mo? na nahihirapan ka." ganto nga siguro, ikaw na taong marunong magisip para matulungan ang iba eh nahihirapang tulungan ang sarili mo. tsk tsk. buhay talaga. magulo, sobra.

kakaantig..


a view from the summit


haha.. sarap pagmasdan ng gantong tanawin noh? kung ganto lang lagi ang buhay.. di ka na bababa ng bundok, pero.. kelangan paring bumalik at harapin ang buhay na naghihintay..

Saturday, November 12, 2005

new!

hmmm. welcome to my new blog.. naisip ko kasi na mas ayos kung meron akong seperate blog, since ang friendster blogs eh hindi ata nagooffer ng edited html add-ons like TAGBOARDS and stuff.. (correct me if im wrong..) so here it is.. welcome.. ingats lagi.. =)